"Ano ngayon kung gwapo siya?He should pay for his own action. Kung laro lang sa kanya ang lahat ng ito then I would definitely play that playboy!Kailangan niyang pagbayaran ang lahat ng sangkatambak na luha na iniluha ng kababaihan dito sa campus! tama! I play with him tapos kapag nagsawa ako sa kanya itatapon ko siya na parang basahan. Ipapadama ko sa kanya ang lahat ng sakit at pighati ng mga kababaihan!" Natigil sa pag iyak ang bestfriend kong si Majie. Na isang beses lang idinate ni Bradford e akala mo na nakapaginvest na ito ng feeling sa binata. Knowing na kabebrake lang nito nung isang araw nang makipagdate ito kay Bradford. Tiningnan ako na tila ba tinubuan ako ng sungay. saka ako iniwan. Tingnan mo to dinadamayan na lahat e! Naiinis pa ako sa ingrata kong kaibigan ng napaharap ako sa salamin? Saka ko lang naalala ang hitsura ko. Alanganin akong napangiti. Ewww! Para akong natatae. Naman oh! Bakit ba sa tuwing wala itong mga salamin na ito ay nakaklimutan ko itong itsura ko na parang si Betty La fea? Napahindik ako. Ewan para akong hinahabol ng multo na lumabas ng silid. Play with the Playboy huh? Sige inner self. Ang laki mong asar. Sana hindi ka na lang nilikha sa mundo!