Ipinagpapauna ko lamang po na itong unang libro ay binubuo ng sampung (10) kabanata lamang. Iba't-ibang paksa kada pahina. Lahat ay pawang mga Tula.
Maari kang matuwa, lumuha, humagalpak sa tawa, mahilo, malito, at malunod, depende sa kung anong klaseng tao ka. Ngunit isang bagay ang ipinagbabawal sa paglusong dito, ang mapulikat ang mga paa mo, dahil maaaring humantong ito sa pagkawala ng sarili mo. Kaya mag-iingat ka aking katoto.
Maligayang pagparito sa malawak na karagatan. Na kung saan pawang mga tula ang nasa kailaliman.
Nga pala, nais mo bang maging parte ng aking mini resort? Halina't libre ito. Wag kana magkubli at magtago.
Tingin mo, gaano kalayo at kalalim ang iyong mararating? Tayahin nga natin.
"Ang isang paksa ay 'di magiging tula kung walang tugma sa bawat salita"
Kung nakakadama ka ng kalungkutan at luha minsa'y sayo nangingibabaw, subukan mong isulat ang iyong nararamdaman, malayang talud-turan man ay t'yak kong naipaparating mo ang tunay na nilalaman ng 'yong puso at isipan...
Mula sa inyong manunulat 〜 "nasa mga kamay mo ang iyong kapalaran"
Mga orihinal na likha ni Ishangg (Filipino Poem)
Date Started: 08/23/2024
Date Ended: 09/03/2024