Ako ay si Rufino Magos. Marahil, nabasa na ninyo sa mga aklat ng kasaysayan ang aking pangalan, ako ang batang kasama ni Dr. Pio Valenzuela nang nagpunta siya sa Dapitan kasama ang isang bulag. Ang pakay namin sa Dapitan ay makausap si Dr. Jose Rizal para mamuno ng rebolusyon. Gusto kong ikuwento sa inyo ang mga pangyayari noong rebolusyong 1896, at ang buhay ni Supremo, si Gat Andres Bonifacio. Maraming mga naisulat tungkol kay Gat Andres, ang mga iba ay malapit sa katotohanan, ang mga iba naman ay sadyang mga kasinungalingan. Gusto ko lamang ituwid ang mga pangyayari.