Boss XL, No Kissing Please?! [Coming Soon...💖]
1 part Ongoing MatureKahit saan ako makita ng boss ko, lalapit ito sa akin para nakawan ako ng halik. Wala itong pinipiling lugar, basta lang pag nakita ako nito susunggaban nalang niya ako ng halik. Akala mong bata na sobrang naki-crave pag nakikita 'yong paboritong pagkain nila.
Dahil sa ginagawa nito, pinagchi-chismisan na kami tuloy dito sa Skylight Company.
"Palagi mo nalang akong hinahalikan. Nakakarami ka na ah? Wala ito sa kontrata natin!" galit kong untag dito."Kasalanan mo naman na nagkamali ka ng gcash number na pinasahan na pera. Hindi ko na kasalanan na sa akin mo sinend ang 100k. Three days akong naghintay na tumawag ka para bawiin ang perang iyon pero kasalanan mo dahil hindi ka tunawag kaagad at umabot pa iyon ng one week."
Nakatutok pa rin sa laptop nito na pasadya nitong ihulog ang ballpen sa ibaba.
"Pakikuha," sa harap ang tingin na sabi nito habang nagta-type-type sa laptop nito.
Naka-pout naman na lumapit ako sa kinaroroonan nito.
Dahan-dahan akong lumuhod para kunin ang ballpen na hinulog nito. Tumayo na ako sa pagkakaluhod at pinagpagpag ang fitted kong palda.
Nakabusangot ang mukha na tinurol ko dito ang ballpen nito.
"Oh!"
Tinigil nito ang ginawa at pinaikot ang swivel para humarap sa akin. Akala ko ay kukunin na nito sa kamay ko ang ballpen. Nagkamali ako ng inaakala at ako ang kinuha nito. Hinila ako nito ng bigla papunta sa kanya na dahilan napaupo ako sa lap niya at napapulupot ang mga kamay ko sa leeg nito.
"A-ano na namang palabas 'to---" di ko napatuloy ang sasabihin ko nang halikan ako nito bigla.
Pagkahiwalay nito sa akin, namumula namang nakatingin ako sa kanya. Ilang beses na niya akong hinalikan at parang first time pa rin itong nangyayari sa amin.
"Rereklamo-reklamo ka pa diyan, mukhang nagugustuhan mo naman," nakangiting pilyo na sabi nito."Magmula ngayon, hindi lang ikaw magiging sekretarya ko. Magiging isa na rin kitang P.G.K."
"P-G-K?"
"My Personal Good Kisser..."
Coming soon...💖