Sa edad na 18 ay naranasan na ni Lucila Mae Montalvo ang mag trabaho bilang waiter, cashier at taga bantay din ng computer shop kasabay noon ay nagbebenta din sya ng kung ano ano online. Ulilang lubos si Lucila kaya naman ginagawa nya ang lahat para sa kanila ng kapatid nya na si Patricia. Marangyang buhay ang tinatamasa ni Patrick Baltazar, sunod ang kanyang luho dahil na rin sya ang nagpapatakbo ng kanilang negosyo. Babae, alak at kaibigan ang kanyang bisyo mula ng maghiwalay sila ng dati niyang nobya. Pano kaya muling magtatagpo ang kanilang landas?