Naglaho ang kinang ng bituin ni Mary dahil sa mga opportunity na lumagpas sa kanya at sa mga tao na inilagay siya sa alanganin. Pinili niyang labanan iyon kahit nag-iisa siya ngunit Hindi pala niya Kaya at umabot pa sa punto na kainisan siya ng mundo. kaya kahit ganoon na lang ang inis niya sa matalino pero napakaguwapong lawyer na si MX ay pinili niyang kunin ang serbisyo nito kahit na may Hindi silang magandang engkwentro. Kaya noong nagkaroon siya ng kaso na sa tingin niya ay mahihirapan niyang lusutan ay kinailangan niya ang serbisyo nito kahit na naiirita na siya dito. Ngunit dahil sa kinasangkutan nilang kaso ay nalagay ang buhay nila sa panganib kaya tumakas sila at napadpad sa isang malayong lugar at inabutan sila doon ng Enhance Community Quarantine Lockdown. Tunghayan ang kuwento ng pag-ibig na mamumuo sa oras ng COVID 19 Pandemic Lockdown. Posible ba na makandado ng lockdown ang kanilang magulo at malikot na puso.
More details