Story cover for Contracted Wife (MTSNG SERIES #1) by rinrinzuzu
Contracted Wife (MTSNG SERIES #1)
  • WpView
    Reads 236
  • WpVote
    Votes 16
  • WpPart
    Parts 5
  • WpView
    Reads 236
  • WpVote
    Votes 16
  • WpPart
    Parts 5
Ongoing, First published Sep 22, 2020
Ang tanging gusto ko lamang ay magaang pamumuhay para sa aking pamilya. Nais ko lamang silang mabuhay nang marangya. Ang tangi ko lang gusto ay maging masaya ang aking pamilya ngunit hindi makatarungan ang mundo para sa amin. Kailangan ko ng yaman upang mabuhay kami.


Sa hindi inaasahang pagkakataon, ang inaakala kong magandang buhay para sa aking pamilya ang siya pa palang maghahatid ng labis na hirap sa aking sitwasiyon. Sa kabila ng impyernong aking napasukan merong tila isang anghel ang dumating. O iyon lamang ang aking tingin?


Dahil hindi ko kailan man naisip na maaari itong mangyari sa akin. Hindi ko kailan man inisip na kakapit ako sa patalim upang isalba ang aking buhay.


Hindi ito ang buhay na aking inaasahan. Ang maging asawa sa isang kontrata lamang.





Matsunaga Series #1
---
rinrinzuzu
All.Right.Reserved.2021
All Rights Reserved
Sign up to add Contracted Wife (MTSNG SERIES #1) to your library and receive updates
or
#194contract
Content Guidelines
You may also like
BULLY'S OBSESSION (Completed) Under Editing by coolangsalambing
37 parts Ongoing
Huminga ako ng malalim baka sakaling maibsan Yung sakit at takot na nararamdaman ko. Nasa loob ako ng bodega , nakakulong. Hindi ko naman pinangarap na maging ganito Ang Buhay ko. Wala sa isip ko ang makapag aral sa isang mamahaling paaralan ,sapat na Ang public school. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana, eto ang nagkataon na paaralan Ang tanging tumanggap saakin. Masaya ako Kasi nakapag aral ako , ngunit Hindi ko alam na Ang kapalit pala nun ay paghihirap. I was just a scholar in this school, kaya siguro mainit Ang dugo nila saakin. Napasinghot ako ng maramdaman Ang muling pagtulo ng luha. Mula recess time ay nakakulong na ako rito, at ngayon ay maghahapon na. Ramdam ko na Ang matinding pagod at gutom. Tingin ko ay magiging katapusan ko na ito. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng maramdaman kong may magbubukas ng pintuan. Napadilat ang mata ko Ng kaunti , ngunit di ko magawang iangat ang sailing ulo. Sa matinding gutom at pagod ay hirap akong gumalaw tanging pagyakap sa sariling katawan ang aking kayang Gawin. "I'm sorry if I did this to you." Ani ng Isang tinig na malamig, sa boses palang ay kilala ko na ito. Napahikbi ako sa takot. B-bakit ginagawa nya ito saakin. Hindi ko naman sya kilala. Isa lang akong transferee SA school na ito at ang malala pa ay wala talaga akong maibubuga pagdating sa yaman. "You made me do this to you , your stubborn " Ani pa nito , sabay lakad palapit saakin. Gusto kung lumayo ngunit Hindi ko magalaw ang katawan ko. Tanging iyak lang ang kaya ko. Hinawakan nito ang Mukha ko at pinaharap sa kanya , pinilit Kong idilat ang MGA mata ko. Sumalubong ang malumanay nitong titig na aakalain mong may pakealam talaga sya saakin. Napa buntong hininga ito , kinarga nya ako na parang bagong kasal. Wala akong nagawa kundi Ang Hindi tumutol, Wala na akong lakas kaya naipikit ko Ang magkabilang mata. --
Dosage of Serotonin by inksteady
47 parts Complete Mature
Started: 04/27/2021 Ended: 08/24/2021 Ang hirap palang tumanda. Ang hirap magbayad ng bills. Ang hirap suportahan ng pamilyang akala ay isang milyon ang suweldo mo. Ang hirap ngumiti sa nanay na mataas ang tingin sa'yo pero hindi ka kayang ipagtanggol. Ang hirap tabihan sa hapagkainan ng tatay na pinag-uubusan mo ng pera pero hindi ka maalala. Ang hirap mag-abot ng tulong sa kapatid na baon sa utang. Ang hirap intindihin ng hipag na nakakapagpa-rebond pa kahit kapos na kapos na. Ang hirap pakisamahan ng bunsong halos ilahad ang mga palad tuwing makikita ka. Ang hirap ngitian ng mga taong tanong nang tanong kung bakit hindi ka pa nakakapag-asawa. Ang hirap humarap sa mundong isasampal sa'yo na mag-isa ka. Tulong, bigay, utang. Isang iling mo lang, madamot ka na. Kasama mo sila kapag may maibibigay ka, pero hindi mo sila mahahanap kapag wala na. Ikaw ang kakayod, sila ang tutuka. Ikaw ang iiyak sa pagod, sila ang magtatamasa. Iyon ang summary ng buhay ko. Sobra-sobra ang naririnig na paghingi, kulang na kulang ang naririnig na pasasalamat. Sobra-sobra ang pagpapasensya, kulang na kulang ang natatanggap na pagpapahalaga. Sobra-sobra ang binabayaran, kulang na kulang sa kasiyahan. Kaya nang dumating sa buhay ko ang nag-iisang lalaking hindi ako nakita bilang naglalakad na alkansya, ang nag-iisang lalaking nakinig sa mahabang listahan ko ng problema, ang nag-iisang lalaking nagbigay sa akin ng kakaibang saya, ipinangako ko sa sarili na sa gitna ng hirap ng pagtanda, magtitiis ako basta't siya ang kasama. Kahit pa ang kapalit noon ay pagtalikod sa minahal na pamilya. Kahit pa ang kapalit noon ay paglaban sa mundong pinatatakbo ng kapangyarihan at pera. Kahit pa ang kapalit noon ay ang pagdurusa't pag-iisa. Siya ang ginhawa, pahinga, at kasiyahan ko. Dumating man ang araw na tanaw ko na ang dulo. Dumating man ang araw na wala na kaming sagot sa lahat ng bakit at paano. Dumating man ang araw na pareho na kaming talo.
Love Me🗡Assassin Series11✔💯 by mahikaniayana
11 parts Complete Mature
⚔Brent Red⚔ Dahil sa kagustuhan nyang makatulong sa isang kaibigan, pumayag si Brent na maging espiya. At sa kanyang pagmamanman meron syang lihim na natuklasan. Hindi mga ordinaryong babae kundi mga engkanto pala ang kanyang sinusubaybayan. At ang masama pa nun, ay nabighani sya sa diwatang kanyang nakasagupa sa kagubatan. Panu na ngayon ang gagawin nya para mapaibig ito sa kanya? Gayung hindi nya kayang tapatan lahat ng meron ito. Hanggang saan sya magkukunwari para manatili lang ito sa kanyang tabi? Hanggang pagkukunwari na lang bang magagawa nya?..Na... Kunwari bulag ako para di ko nakikita ang ngiti mo . Kunwari bingi ako para di ko naririnig ang tawa mo. Kunwari pipi ako para di ko masabi sayo na "ako na lang". Kunwari pilay ako para di na kita habol-habolin. Kunwari wala akong puso. Kunwari hindi ako nagtanga tangahan na ako ay nagbubulag bulagan, bingi bingihan, pipi pipihan at pilay pilayan para matago ko sa'yo na mahal kita pero kunwari hindi. 🖤❤ ⚔Alexis Martinez⚔ Sa pananatili ni Alex sa mundo ng mga tao bilang tagapagbantay ng Prinsesa ng Umbra, marami syang natutunan at nalaman. Na mas masaya pala maging tao kesa ang maging engkanto. Kasi simple lang ang pamumuhay at walang digmaan na nagaganap dito. Ng minsang gumagawa sya ng potion sa kagubatan, may naramdaman syang presensya na nagmamatyag sa mga kilos nya. Sa pag aakalang ito'y kalaban sinagupa nyang mag isa ito. Pero laking gulat nya ng makitang isa itong tagalupa at sa unang nagtagpo ang kanilang mga mata may naramdaman syang kakaiba na nagpalito sa kanya. Bakit ako kinakabahan? Bakit tila kay bigat ng aking pakiramdam? Bakit tila natatakot akong may ibang makaalam? Ano bang gagawin ko para mawala saking isipan?Ang tagalupang yun na nagdudulot sakin ng sanlibong kalituhan. 💃MahikaNiAyana
You may also like
Slide 1 of 7
Ang Kwaderno cover
BULLY'S OBSESSION (Completed) Under Editing cover
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Flutter Fic) cover
(Agent Series 8) The thief and the agent cover
Dosage of Serotonin cover
Love Me🗡Assassin Series11✔💯 cover
Huling Pag-asa (Last Hope) cover

Ang Kwaderno

41 parts Complete Mature

♡♡♡A Never Ending Love♡♡♡ ☆☆☆Another True Story Series You Shouldn't Miss☆☆☆ {Ongoing} Ang Kwaderno Kingsays Alegrius Writes Ang pag ibig ay isang hiwaga na maaaring pagmulan ng inspirasyon, kaligayahan, at maging ng kabiguan. Ngunit sa lahat ng naniniwalang sa mundong makabago ay wala na ngang totoong busilak na pag ibig na ang tanging nanaisin ay mahalin at arugain ang katipan. Sa bagong mundo na kung saan ang pamantayan ay kasikatan, kagandahan, katagumpayan, at madalas kung minsan ay pera. Halika tunghayan natin ang kwento ni Mark at Liza na magpapatunay ng totoong mayroon pa ring sisimulan sa bawat nawasak na parte ng buhay, sa bawat kabiguan ay may isang taong aalalay, sa bawat pasakit ay may pag ibig na sasabay. Kwento ng dalawang taong walang habas na sinubok ng bagyo at alon sa buhay, kwento na magbibigay sayo ng palaisipan, kung sakin mangyayari ito, ganito kaya ang kahahantungan. Buksan ang mga puso at isipan, maging malawak sa mundong mapanghusga, maging mapang unawa sa mundong walang awa...