Dyan ako lumuha ng patago Umiyak hanggang ang mata'y namugto Pinilit kung kinaya at wag magpa apekto Dahil ayaw kong mag away na nmn tayo. Dyan ako nakaramdam ng inggit Sa mga kachat mo na sayo'y malapit Ang pagselosan ay wala akong binabanggit Dahil ayokong ika'y sa akin ay magalit. Dyan ako nasaktan ng hindi kumikibo At hndi ko yun sinabi sayo Dhil ayaw kung mauwi na nmn tayo sa pagtatalo At sasabihin mo sa akin na kaibigan mo lng sila, at wala lng yun. Oo, kaibigan mo lng sila Ngunit iba ang binubulong ng iyong mga mata Dahil ng pakikitungo mo sa akin at sa kanila ay magkaiba At yung ang aking labis na kinababahala. Normal lng na magselos ako Normal lng na magka ganito ako Hndi dahil sa wala akong tiwala sayo Dahil hndi ko maiwasan yun Kahit anong pigil ang gawin ko. Alam kung mali ang pagselosan ko sila Dahil sabi mo nga kaibigan mo lng sila Kaya dapat akoy huwag mangamba. Mangamba, ako ay tuluyang nangangamba Hndi ko alam kung bkt Kinakain ako ng selos pag dating sa kanila Siguro takot lng ako yung atensyon mo ay maagaw nila Sigura takot lng akong mawala ka, kasi mahal na mahal kita. Pero gusto ko lng na malaman mo Na nagseselos ako hndi dahil sa ayaw kung may kahati sayo Nagseselos ako sa mga kachat mo Kase baka magka gusto sila sayo o mahulog sila sayo Natatakot pa rin ako, kahit wag mo sabihin sa akin na dapt huwag akong mangamba. Hindi ko nmn pwedeng sabihin na iwasan mo sila Dahil alam ko na pag iniwasan mo sila Ay malulungkot at hndi mo rin kaya, kasi napalapit kana sa kanila Pero sge, susubukan kung huwag magpakain sa selos ko Hndi na ako mangangamba. -kace-All Rights Reserved