No Hay Final Feliz
  • Reads 13
  • Votes 2
  • Parts 4
  • Reads 13
  • Votes 2
  • Parts 4
Ongoing, First published Sep 24, 2020
Ang istorya ng buhay ni Crisanta Puerto Y. Rasonable ay nakalathala sa isang libro na pinamagatang Libro De La Tristeza Y La Tribulación Durantela Guerra o Libro ng Kalungkutan at Kapighatian sa Panahon ng Digmaan na binuo ng isang historyador na si Ginoong Florez Sandro De Guzman noong 1890, apat na taon matapos pumanaw ni Crisanta. Mula ang kuwentong sa ibat-ibang taong nakasalamuha at nakilala ng dalaga noong siya'y nabubuhay pa. Sa kasalukuyan, makikita ang libro sa isang aklatan sa Heneral Trias, Cavite. Pero kamakailan lamang, buwan ng Mayo taong dalawang libo at labing walo ay napabalita na nawawala ang libro sa lugar na kaniyang pinagtataguan. Ang buong bansa ay naalarma sa ulat na ito. Maraming nagsabi na ninakaw raw ito dahil sa malaki nitong halaga sa kasalukuyang panahon na maaaring umabot ng dalawang bilyon.

Ngunit, sa hindi inaasahang pagkakataon. Ang librong nawawala ay mapapasakamay ni Kinsley Aguilar Inocencio sa hindi mawaring dahilan. Dito ay nagkaroon siya ng pagkakataon upang malaman at matuklasan ang buhay ni Crisanta. Bagama't luma na, may mga nawawalang pahina at may halong espanyol na salita ay pilit niya itong inintindi at tinapos. Subalit, kaakibat ng pagbuklat ng libro ang muling pagkabuhay ni Crisanta, ngunit hindi sa nakaraan. Siya'y muling nagkahininga sa kasalukuyan. 

Bakit at paano ito nangyari? Nagtataka ka na ba?

Bakit siyang nabuhay muli?

Ano ang misteryosong nakatago sa kuwento ni Crisanta? ;At

 Ano ang kinalaman ni Kinsley sa mga pangyayaring ito?

Mabibigyan ng kasagutan ang mga tanong na iyan sa oras na sinimulan mo nang buklatin ang aklat na ito.
All Rights Reserved
Sign up to add No Hay Final Feliz to your library and receive updates
or
#47kasaysayan
Content Guidelines
You may also like
Slide 1 of 1
Penultima cover

Penultima

10 parts Ongoing

Lumaking hindi kilala ang tunay na mga magulang, maagang namulat si Leroncillo San Roque sa kalupitan ng mundo. Ngayong nabigyan siya ng pagkakataong maipaglaban ang pagkakapantay-pantay, handa ba siyang isakripasyo ang lahat maatim lang ang hinahangad na tagumpay? *** Mulat sa bulok na sistema ng lipunan, tumatak sa isipan ni Leroncillo San Roque ang kawalan ng hustisya at hindi patas na trato sa mga mahihirap. Bagama't lumaki sa kalinga ng isang prayle, hindi pa rin naging madali ang daloy ng kaniyang buhay. Patuloy pa rin siyang sinusubok ng mga tao, ng pagkakataon, at ng tadhana. Ngayong naipit si Leron sa isang sitwasyon na maaaring magpahamak sa mga taong mahalaga sa kaniya, ano nga ba ang tamang hakbang upang makamit niya ang inaasam na kalayaan at hustisya? Magagawa ba niyang linlangin ang kalaban at mailigtas ang kaniyang amain at mga kaibigan? O mapupunta lamang ba sa wala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan? Cover Design by Louise De Ramos