Story cover for Mga Lihim ng Moon Lane [PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE] by JA_Ungab
Mga Lihim ng Moon Lane [PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE]
  • WpView
    Reads 698
  • WpVote
    Votes 71
  • WpPart
    Parts 30
  • WpView
    Reads 698
  • WpVote
    Votes 71
  • WpPart
    Parts 30
Complete, First published Sep 25, 2020
Mature
Iniligtas ni Ara ang isang lalake mula sa peligro nang dagitin ito ng isang higanteng tutubi.  Natuklasan niya rin na wala itong maalala tungkol sa kanyang nakaraan, maging sa sariling pagkatao.  Kalaunan, pinangalanan niyang "Pechay" ang lalake.

Hindi pangkaraniwan para kay Pechay ang lahat sa Moon Lane.  Hindi ito ang normal na mundong pinagmulan niya.  At dahil hindi siya komportable sa mga nakakikilabot na kaganapan, nagdesisyon si Ara na samahan siyang hanapin ang sarili sa sinasabi nitong siyudad na kanyang pinanggalingan.  Pero ano nga ba ang sikreto ng Moon Lane at bakit misteryoso ito para kay Pechay?
All Rights Reserved
Sign up to add Mga Lihim ng Moon Lane [PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE] to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
𝗧𝗵𝗲 𝗗𝗶𝘃𝗶𝗻𝗲 𝗘𝗺𝗽𝗲𝗿𝗼𝗿 by Mvirgo_17
35 parts Ongoing Mature
𝚂𝚢𝚗𝚘𝚙𝚜𝚒𝚜 Si Zarr ay ulilang lubos. Bago pa man siya maging ulila ay mayroon siyang pamilya, subalit hindi totoong pamilya. Inampon lamang siya ng mag-asawang Larine at Crado. Subalit, isang trahedya ang nangyari nang gabing iyon. Sinalakay ng mga misteryosong lalaki ang kanilang tahanan at pinaslang ang kaniyang kinikilalang magulang at naging bangungot iyon kay Zarr. Isa lamang pangkaraniwan si Zarr, subalit gagawin niya ang lahat upang maghiganti at mabigyang-hustisya ang pagkamatay ng kaniyang kinikilalang magulang. Gagawin niya rin ang lahat upang alamin ang kaniyang totoong katauhan. At isa lamang ang naiisip niyang paraan upang magawa ang mga nais niya, iyon ay magpalakas nang magpalakas. Dahil lakas lamang ang batayan ng mga karapatdapat. Kung hindi ka malakas ay wala kang kwenta. At ang malalakas ang mga nakakaangat. Hahalughugin niya ang buong kontinente ng Critonya upang magpalakas at maghanap ng mga oportunidad. Ngunit, mayroong mas malalakas pa sa kaniya kaya kailangan niyang makipagkumpetensya sa mga ito. At dahil isang mapangahas si Zarr, makikipagkumpetensya siya sa mga malalakas kahit pa malagay sa alanganin ang kaniyang buhay. Dahil din sa kapangahasan ni Zarr, makakatagpo siya ng mga mahigpit na kalaban. Dahil din dito, makikilala niya ang isang lalaki na kakaiba sa lahat ng kaniyang nakilala. Isa kaya itong kalaban o kaibigan? Kakayanin kaya ni Zarr ang mga pagsubok at hamon sa kaniyang buhay? Magiging matatag kaya siya sa mga ibinabatong panghahamak sa mga nakakasalamuha niya? Magtatagumpay kaya siya sa kaniyang paghihiganti at paghahanap sa kaniyang tunay na magulang? Subaybayan natin ang kasabik-sabik na kwento ni Zarr Albarn sa The Divine Emperor.
You may also like
Slide 1 of 10
SENNA NYX: The Reincarnation Of The Goddess (BOOK I)  cover
𝗧𝗵𝗲 𝗗𝗶𝘃𝗶𝗻𝗲 𝗘𝗺𝗽𝗲𝗿𝗼𝗿 cover
Moon Vermillion cover
Deja Vu cover
Your Light cover
Academia: Hidden Histories  cover
Magindara [Completed] cover
Academia: Hidden Powers  cover
LEDON: Ang Kakambal Ni LeBron cover
LUMINOUS (Fantasy Novel) cover

SENNA NYX: The Reincarnation Of The Goddess (BOOK I)

29 parts Complete Mature

"Senna." "Bakit, ho? " kita ko ang gulat sa kanilang mga mata. "Senna, ayusin mo ang paraan ng iyong pagsagot! " saway ng aking ina. Bahagya pa akong napangiwi ng mapansin na magkapareho pa kami ng pangalan ng katawang ito... Fan ko ba ang mga magulang ng batang 'to at kailangan 'Senna' din ang ipangalan nila sa anak nila? Kaembyerna! "Maayos naman ang aking pagsagot, ina, sadyang ayaw mo lang na marinig ang aking boses kung kaya't ganyan ang reaksyon mo. " Mabuti na lamang at kahit paano ay may mga memorya ako ng batang ito. Kung hindi nako nako! Sasabunutan ko talaga ang magaling kong kapatid sa pangengealam niya! "At kelan ka pa natutong sumagot sa akin, Senna? " pinukulan ako nito ng masamang tingin. Kung ang dating Senna ay natatakot sa masamang tingin niya, pwes! Ibahin niya ako. "Ngayon lang, ina, dahil inis na inis na ako sa paraan ng pananalita mo sa akin na tila ba hindi mo ako anak. Kung sabagay... Hindi niyo naman talaga ako tinuring na anak ni ama. "