May mga tao talaga na kahit ilang beses lokohin ng taong mahal nila, mahal parin nila. Minsan kahit sinasampal na ng katotohan naniniwala parin sa kasinungalingan kasi mahal niya. May mga tao ding kahit hindi sila mahal ng taong mahal nila, mahal pa rin nila. May mga tao ding kahit matagal na panahon ng natapos yong pagmamahal niya sa taong iyon, bumabalik kapag nagtagpo sila ulit. Na kahit ilang lalaki o babae ang nakasama na niya, kapag nagkita o bumalik yong taong mas minahal niya, babalik lahat ng pakiramdam na antagal mong ibinaon sa limot. Sa muling pagtatagpo ng landas nila, posible kayang bumalik ang nararamdaman ni Natalia para kay Alexander? Posible din kayang si Natalia na ang mahalin ni Alexander imbes na si Cassandra?