𝑩𝑨𝑪𝑲 𝑨𝑮𝑨𝑰𝑵 ( 𝑲𝒊𝒎 𝑱𝒊𝒃𝒆𝒐𝒎 𝑭𝒂𝒏 𝒇𝒊𝒄𝒕𝒊𝒐𝒏) Paano kung magising ka isang araw. Nasa ibang katauhan kana at malaman mong ang katotohanang patay ka na at namumuhay ka na lang sa ibang katauhan. Kaya mo bang balikan ang mundong iniwan mo kung sa pagbalik mo hindi ka na nila kilala. "Jibeom bitawan mo nga ako. Tigilan mo na ako. Utang na loob. Tama na. Sino ka para umastang ikaw si Doojoon? Hindi pa ba sapat ang mga ginawa mong pagpapasakit sakin.!? TAMA NA. Tantanan mo na ako. Ayoko kitang makita. Kinamumuhian kita.-" sigaw sakin ni Sohyun. Wala akong nagawa kundi maupo sa gilid at matulala sa mga nangyari. Paanong nangyaring kinamumuhian ako ng babaeng pinakamamahal ko. Napatingin ako sa salamin na nasa gawing Kanan ko at nanlaki ang mata ko sa nakita kong reflection. Hindi ako to. Hindi ko to mukha. Anong nangyayari.-" gulat na gulat na sabi ko. Kasunod nun. Nawalan na lang ako ng malay. Namatay at nabuhay muli. Binigyan ng pagkakataon muling mabuhay pero hindi sa orihinal na katauhan kundi sa lalaking kinamumuhian ng babaeng minamahal mo. Anong gagawin mo!?Todos los derechos reservados
1 parte