Ang pagiging dalagang pilipina ay isang pinakaiinisan kong bagay . Naaayon sa angkop na kilos at pananamit , habang ako ay hindi marunong sumunod sa nakasanayan ng aking pamilya. Nung kami ay nanirahan sa bahay ng lola namin ay nakaramdam ako ng kakaiba . Kasama ang mga kapatid ko na sina Faith at Kc na siyang mahilig sa pang sinaunang bagay .geez habang nag kukuwento pala ako napapalalim na yung tagalog ko . Sana makasanayan ko ang pamumuhay dito sa Bayan ng Mapayapa . It is my first time historical story , sana ay maintindihan at pasensya sa mga maling salita. Sabay sabay nating tuklasin ang buhay ni Carleen Vilches na napunta sa sinaunang panahon sa tulong ng hiling niya sa dumaang bulalakaw .