Kahit alam kong malabo kitang maabot at mapantayan. Hindi ako tumigil na patunayan ang sarili ko sa'yo at sa lahat ng taong nakapaligid sa atin. Sa unang beses palang kitang nakita, sinabi ko sa sarili ko na mahihirapan akong makipagsabayan sa isang katulad mo. Pero hindi ko alam na ikaw pa mismo ang hihinto para lang makasabay ako. Ikaw mismo ang nagpahiwatig at nagpakita na kaya ko, na kaya kong makipagsabayan sa mundo. Inakala kong kapareho ka lang ng iba, pero ibang-iba ka. Ikaw yung iba na gustong-gusto ko. Ikaw yung hinahanap kong naiiba. Kaya kahit anong mangyari,hindi ako papayag na makawala ka pa. Mananatili ako hangga't kaya ko. I'll keep on staying to you no matter what happens.