Buong akala ni Georginia ay tuluyan nang malalagay sa tahimik ang kaniyang buhay matapos magpakalayo at kalimutan ang masalimuot na kahapon mula sa kamay ng lalaking inaakala niyang tagapagtanggol niya. Subalit, sadyang mapaglaro ang tadhana. Kung kailan ikakasal na siya sa fiancee niyang si Raven ay doon naman nagpakita si Jared Gedotti, ang binatang may malaking atraso sa kanya. Sisirain nito ang harang na pumagitan sa kanilang dalawa. Gagawin nito ang lahat kahit may masasaktan pa na iba. Alin ba ang mas matimbang? Ang sinasabi kaya ng isipan o ang isinisigaw ng puso?