Sa buhay ng tao may mga pagbabagong hindi natin akalaing magaganap. Ang pagbabago niya bang ito ang siyang daan upang malaman niya ang mga sagot sa mga tanong niya?o siyang sisira at lubusang babago sa kanya? Si Angelu Luis Davines isang nerd.Mabait,matalino,masipag, at matatakutin.Palagi siyang binubully sa eskwelahan nila lalo na ni Carl John Silvestre na may malaking galit sa kanya.Sa kabila ng pangbubully sa kanya makikilala niya si Mika Nichole Perez na siyang bestfriend naman ni Carl John Silvestre,maganda,mayaman pero mabait .Ibang-iba ang ugali kay Carl .Mula ng naging magkaibigan sila ni Angelu ,siya na ang nagtatanggol sa kanya mula sa mga bully lalo na sa bestfriend niyang si Carl .Dahil dito tumindi ang galit ni Carl kay Angelu.Sa kalagitnaan ng pagkakaibigan nina Mika at Angelu ay may namuong pag-ibig.Ngunit dahil sa selos at mga maling akala malaking pagbabago ang magaganap. Tuluyan na bang lalamunin ng galit at pagbabago si Angelu?o hindi pa huli ang lahat???