As The Rain Falls Namuhay si Dian na isang bagay lamang ang importante sa kanya , iyon ang mahanap ang natitirang mga piraso ng kaniyang pagkatao. Palaisipan ang lahat ng nangyari sa kaniya.Hanggang sa kalagitnaan ng kaniyang paghahanap ay nahulog siya sa kadiliman at nabitawan ang sinusundang liwanag. Nawala ang lahat sa isang pagkakamali.Upang pagbayaran ito ay kailangan siyang sumunod sa inuutos ng nakatataas. Kailangan bang muli siyang sumuong sa kadiliman upang pagbayaran ito o baka dahil sa matagal ng hinahanap na kasagutan?