34 parts Complete (COMPLETED)
May isang misteryosong libro ang natanggap ni Sebastian Castro Reyes galing sa isang hindi kilalang padala, ang naka lagay lamang na salita ay
"Santana."
May nabasa si Sebastian saloob ng aklat na hindi nya inaasahan. Isang paglalakbay gamit ang Bulaklak na Santana tungo sa panahon ng 1897, dito naganap ang pagsabog ng bulkan Mayon, kung saan siya ay nagising bilang Protacio Herrera, isang heneral na maginoo at may katapangan na taglay.
Nakilala nito si Cecilia Amora, isang dalagang may pusong puno ng takot at pag-asa. Si Miguel, ang matapat na kaibigan nito, habang si Isabelle ay isang batang mahalaga sa buhay ni Protacio.
Sa pagitan ng pag-ibig at tungkulin, ng katotohanan at lihim, ng nakaraan at kasalukuyan unti-unting mabubuo ang isang kwento ng tapang, sakripisyo, at walang hanggang pagmamahal.
Mapipigilan kaya ng binata, na mawala ang iniibig nya? o darating talaga ang nakatakdang delubyo na hindi niya mababago pa. May isang bagay ang kailangan nyang hanapin upang makabalik sa panahon 1897 ngunit lahat nang ito ay may natatanging kapalit.
Published May 20, 2025
©Copyright Janmeraki01