Isa akong simpleng babae na mayroon na dalawang kaibigan. Masaya ako na kasama sila, ewan ko lang sila. Marami nang sumubok na mangutya sa akin pero hindi ako nagpadala dahil bukos sa sarili ko mayroon akong mga tao sa paligid ko na mas kilala kung ano at sino ba talaga ako. Madalas akong third wheel sa mga kaibigan ko, hindi hanggang sa mabunggo ako sa isang lalaki na hindi pala iyon ang unang pagkakataon na magkita kami. Lahat ng 'una' ko, siya ang nakapagparamdam sa akin. Maging ang unang pagsubok na masakit man gawin pero kinailangan kong magdesisyon at dinaan sa laro ang gustong ipahiwatig ng damdamin.