Mahirap para kay Angel na matupad ang kanyang kahilingan na maging sila ng crush nya. Sino ba naman kasing magkakagusto sa kanya? Hindi sya matalino at mas lalong hindi sya kagandahan. Wala sa katangian nya ang magugustuhan ng isang lalaki. Sya ay isang Senior High School Student, at lagi syang pinag-iinitan ng kanyang mga kamag-aral at ng kanyang mga guro. Pero kahit na inaapi na sya ng mga taong nasa paligid nya, hindi ito naging hadlang para sa kanya. Isa syang positibong tao, at ang mga taong nasa paligid na lang nya ang naiinis dahil sa kakulitan nya. Hindi sya kagandahan pero proud na proud sya sa kung ano ang itsurang mayroon sya. Hindi rin sya matalino, pero hindi ito naging hadlang sa pag-aaral nya. Katulad ng ibang teenagers, hilig nya rin ang pagbabasa ng novels sa Wattpad. Pangarap nya ang mapansin sya ng kanyang crush na si Vin.
Si Vin ay isang Wattpad Author, sya ang number 1 sa highest ranking sa wattpad. Sobrang talino nya, at napaka lawak ng isip nya kaya naman sobrang ganda ng mga naisusulat nyang kwento. Maraming kababaihan ang nagkakagusto sa kanya, idagdag mo pa ang mala-wattpad character nyang itsura. Napaka perpekto kung iisipin kaya naman ganon kapatay na patay sa kanya ang kanyang mga readers lalong-lalo na si Angel.
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)
54 parts Complete
54 parts
Complete
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more?
***
May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam.
Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit.
Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana.
Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga?
Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon.
Disclaimer: This story is written in Taglish.