Hindi lahat ng tao nabibiyayaan ng jowa sa edad na bente. Saan nga ba aabot ang pagiging single mo? Si Yen Santos ay isang college student na JOWANG-JOWA na. Kaya lang nakakahiya naman sa sarili niya kung siya pa ang manliligaw sa mga kalalakihan sa school nila diba? Kaya nagwai-waiting patiently lang siya diyan sa tabi. Sabi pa nila Love is patient well si Yen na mismo ang magsasabing sawa na siyang maging patient dahil mula ng malaman niya ang kahulugan ng salitang BOYFRIEND nangarap na siyang magkaroon nun. Kaya ang ginawa ni Yen, Pumasok siya sa mga dating sites na makikita lang niya sa Facebook tulad nalang ng Neargroup tsaka profoundly. Hindi naman masama dahil may iba namang nagkakamabutihan sila. Yun nga lang, hindi din siya nito bet. But one day, nung sinabihan siya ng best friend niya na i-try niya ang omeggle wala siyang pag-aalinlangan na kunin ang opportinidad. Makikita na kaya niya ang taong NAKALAAN para sa kanya? O baka naman bokya parin siya sa pagkakataong ito? Remember, bet ni Yen ang magkaroon ng boyfriend na foreigner dahil kapag papalarin, magiging asawa niya ito at magkakaroon sila ng gwapo't magagandang mga anak. Atsaka hindi kasi mabenta ang beaty niya sa mga pinoy dahil masiyado silang maarte kaya dun nalang siya sa foreigner dahil hindi sila mapili. Sa pagkakataong ito, bumenta na kaya ang beautyness ni Yen at makita niya na ang MINE ng buhay niya? O mananatili siyang single forever at magkakapeng mag-isa sa coffee shop sa labas ng school niya? Yen: Meron na akong kaibigan, please lang jowa naman. A/n Kung kilala niyo si Luka Doncic ng Dallas Mavericks siya po ang gagawin kong main cast sa istoryang ito pero iche-change ko po ang name niya. Kung hindi niyo po siya kilala, well may Google naman para malaman niyo. Sa babae naman po ay si Nadine Lustre. Siya lang po kasi ang naiisip kong babae na single na babagay sa role. PLAGIARISM IS A CRIME!All Rights Reserved