May mga taong dadating sa buhay natin na magtuturo sa atin ng leksyon. Leksyon na magdadala sa atin sa tamang landas, leksyon kung saan matututo tayong lumaban sa anumang pagsubok ng tadhana at maging matatag sa lahat ng pagkakataon. Hindi madaling makahanap ng taong magmamahal sayo ng totoo. Yung taong maglalaan ng buong oras niya sayo makausap at mapasaya ka lang. Yung taong handang tiisin ang lahat para sayo. Yung taong gagawin ang lahat huwag ka lang mawala. Si Nichole Delos Reyes ay makakatagpo ng isang kaibigan na masasandalan niya, si Kyle Kevin Dela Cruz . Kayang gawin ni Kyle ang lahat para kay Nichole, ngunit makakaya kaya niya na maghintay ng hindi nakakaramdam ng pagsasawa? Makaya kaya nilang ilaban ang mga pinagsamahan nila? Ano kaya ang kahihinatnan ng pagiging magkaibigan ni Nichole at Kyle?
1 part