"Akala ko ba hanggang sa dulo ng walang hanggan? Pero bakit parang ngayon nasa dulo na tayo ng eskinita na kung saan may magkahiwalay na daan sa dulo. Ikaw pupunta sa kabila at ako sa isa pa"
"Frank mahal na mahal kita pero sana maintindihan mo ang desisyon ko na kailangan kong mag aral para matupad ang pangarap ko"
"Ano ba yang pangarap na yan? Bakit parang mas mahalaga pa yan kaysa sakin??"
"Frank... tama na"
"Minahal mo ba talaga ako, Rachel?"
Tinitigan ko siya at nakita ko na pareho na kaming umiiyak ngayon. Sa hindi ko malaman na dahilan, nainsulto ako... ay hindi yung puso ko, na tinatanong niya ko kung minahal ko ba talaga siya pero sa kabila ng insultong yon, kailangan ko sabihin kong sabihin sa kanya ang dapat kong sabihin...
"Hindi."
Kailangan ko 'tong gawin. Kailangang kailangan.