Isang babaeng namulat sa katotohanang totoo ang mga bampira. Akala niya ay sa storya o mga pinapanood lamang ang mga bampira, ngunit nagkamali siya. Napuno ng galit at puot ang puso niya dahil sa mga bampira. At bakit? Dahil mismong mga mata niya, nakita niya... kung paano patayin ang pamilya niya ng mga bampira. Galit siya sa sarili niya dahil wala siyang nagawa at dahil bata pa ito noon, ngunit mas galit siya sa mga bampirang pinatay ang mga magulang niya. Walang naniwala sakanya, dahil isang hamak na bata lamang ito at baka nag-iilus'yon lamang. Ipinalabas ng mga pulis ito ay isang suicide. Mas lalong ikinagalit nito, dahil ni isa ay walang naniwala. Ang alam niya, siya lamang ang nakakaalam at siya lamang ang nakakita. Gusto niya maghiganti sa lahat, gusto niyang patayin lahat ng bampira. Ngunit paano kung ang isang hamak na babae na galit na galit sa bampira ay mahulog sa isang bampira? Mawala kaya ang galit niya sa mga bampira? O mas lalo siyang magagalit dahil nahulog siya sa isang bampira? I'm inlove with a vampire.