"HYGGE" origin - danish - The warm feeling you get while enjoying the company of great friends and all life has to offer. Namuhay ka sa karangyaan at kasikatan, ngunit kaakibat naman nito ay nakaramdam ka ng kalungkutan, kasi para sayo sadyang may kulang. Nais mong makaramdam ng maging malaya at tunay na saya, malayo sa nagsisilawang ilaw, naglalakihang camera at sa mga taong mapanghusga. Naglakbay ka mag-isa, hanggang napadpad ka sa lugar kung saan ay kakaiba at doon mo nahanap ang iyong nais. Doon mo din natagpuan ang mga taong katulad mo'y kasiyahan at kalayaan din ang inaasam. Akala mo nung una'y pawang estranghero lamang, na kalauna'y unti-unting binago ang iyong buhay, dinamayan ka sa hirap at ginhawa, sinamahan ka agos ng buhay at pinaramdam ang tunay na saya at pagmamahal ninyo sa isa't-isa. Halina't ihanda ang mga puso at sumama sa kakaibang byahe ng buhay na puno ng kalungkutan at syempre ng kaligayahan.