Sabi nila ang pangarap kailangang pagsikapan mataas man o hindi, dahil yan yung gusto mong makamtan, marami mang pagsubok ang dumaan kung gusto dapat lagi kang may paraan. O baka natatakot ka lang mahusgahan ng kapwa mo dahil sa pagkakamali mo. Tandaan mo tao tayo at minsan nagkakamali tayo bago natin maabot ang tagumpay na kinakamit natin. Sabi nga diba ang pagkakamali ang unang hakbang sa pagkamit ng tagumpay. Nadapa ka? Edi tumayo ka! Wag nating basta pinapangarap lang ang ating pangarap, inaabot din yan at pinagsusumikapan.