"Pinili kong bitawan ka, kahit sobrang hirap, tiniis ko. Dahil alam kung mapapabuti kayo, I did that because narealize ko na mas magandang maghiwalay tayo. Dahil ayaw kong dumating ang panahon na dahil sa pagmamahal na meron tayo ay lalo nating mawasak ang isa't isa. . . I'm sorry" -Novice De Guzman (Available & Exclusively at GoodNovel) A Timeless Series 2 Bitter Sweet Lover babz07aziole romance BLURB: Kilalang walang sinasanto ang katulad ni Novice De Guzman. Pagdating man sa business world o usaping buhay. Hindi siya nangingiming kalabanin ang sino man hahadlang sa kaniyang mga plano. Kung kinakailangan niyang pumatay, magagawa niya. Sa kabila ng lahat ay mapapasunod siya ng taong higit na kinasusuklaman nito- ang sariling ama. Iminungkahi nitong magpakasal siya, pumayag si Novice kahit labag sa kaniyang loob. Natuklasan niyang kilala niya ang babaeng napipisil nito para sa kaniya. Walang iba, kun'di si Shaina Monuz, ang dating nobya ng binata! Ipapakita niya sa nagmamagaling na ama na maling-mali ito na ipakasal siya. Pakikisamahan ni Novice ang babae at sasaktan katulad ng dati... Pero namamalayan na lang niyang unti-unti siyang nahuhulog dito, kasabay ng pagkasira ng pagsasama nila, dahil na rin sa mga maling desisyon ng binata. Maisasalba pa ba niya ang pagsasama nila? O hahayaan niyang muling mawala ito sa kaniyang buhay... CAST: Kim Tae-hyung (V) as Novice De Guzman And Bae Joo-hyun (Irene) as Shaina Monuz DATE STARTED: October 5, 2020 DATE END: November 07, 2020