Augusta Rebekkah Perez had been warned about the curse of working for Mr. Cairo Miguel Rodriguez. Ang sabi nila, tumatandang dalaga daw ang mga dalagang walang boyfriend na pumapasok sa kumpanya nito. Ang sabi niya, hindi mangyayari iyon dahil hindi naman siya magtatagal. Sahod at experience lang ang kailangan niya para makapag-abroad. Ngunit ng masilayan niya ang boss niyang tila hinango yata mula sa mga binabasa niyang romance novels ang kaguwapuhan at kakisigan, ang mind set niyang hindi siya mag-tatagal sa trabaho ay bigla na lang naglaho na parang bula. Nagumpisa siyang mag-pantasiya na magkakaroon din siya ng forever sa piling ng kanyang gwapong boss kahit pa workaholic ito at mala-hitler ang ugali sa opisina. She was twenty-two back then. Now she's twenty-nine turning thirty after a couple of months and still, bokya pa din ang love life. Ang edad niyang malapit ng mag-trenta, ang pangamba na baka matulad siya sa dalawang pinsan niyang matandang dalaga at ang pagkamatay ng kanyang matandang dalagang tiya ang nagtulak kay Augusta na tuluyan ng kalimutan ang walang patutunguhan niyang damdamin kay Cairo Miguel at mag-resign na sa trabahong halos pitong taon din niyang tiniis. She promised herself she will find a man and get laid before she hits thirty. And she will start her search at Heaven's Point Resort where they say happiness truly begins.