Sabi nila lahat daw ng kasamaan may kasalungat na kabutihan, parang mga demonyo na may kasalungat na Anghel. Bata pa lang ako libo-libong demonyo na ang napapatay ko pero sa buong buhay ko.....hindi pa ako nakakakita ng anghel. Matagal na rin akong tumigil sa paniniawalang may kabutihan pa sa mundong 'to, dahil isa lang naman ang batas dito ' Kill or be Killed ' Kahit na anong paraan basta mabuhay. ---------------- Nagising ako sa mundong walang kapayapaan, kung saan ang pumatay ay nasa batas. Wala akong naalalang kahit na ano. Basta isang tao lang ang habang buhay kong pahahalagahan, ang tumanggap at nagligtas sa mahinang kagaya ko sa mundo na kung saan ang pinakamalakas lang ang matitira ---------------- Kinukulit ko sya kasi mabait sya. Pinoprotektahan nya ko sa mga gustong kumuha sa akin. Ako ang nag-ayos ng magulong mundo nya. Planado na ang buong buhay ko at wala na akong ibang hihilingin pa. Pero ang mahalin ko sya ang naglihis ng landas ko, pero ang mawala ako sa tabi nya at iwan sya ay hindi ko ginusto at kailan man ay di ko pinlano.
6 parts