Unsaid Feelings For My Love:
"Ito ang lihim kong nararamdaman para sa iyo aking giliw na hindi ko masabi sabi. Kahit dumating sa huling sandali, ikaw parin ay aking minimithi. Malaman mo pa kaya itong aking damdamin na inaalay lamang para sa iyo? O hanggang dito nalang sa papel na ito maisusulat ang aking nararamdaman dahil pinangunahan na ng takot na baka ako'y magsisi. Dahil ayokong basagin ang ating bawat sandali. Nakontento na ako sa bawat ngiti na umuukit sa'yong mga labi. Kung dumating man ang araw na mabasa mo ito, huwag mong kalimutan na may nagmamahal sa'yo ng totoo kahit patago."
Ang lihim na
sumisinta sa iyo giliw,
Ayarij Timotheo Madrid
Since10/09/2020
12:49nn
-->MegumiJ29💕🌹💙
Wala akong ouline dito, basta nasulat ko lang at naumpisahan 'to. Hahah tignan ko kung hanggang saan ko 'to matatapos. ☺️