Ang mga pinagsama samang tulang ito ay ginawa mismo ng dalawang magkaibigan sa magkakaibang panahon at pagkakataon. Sariling tula na ipinapakilala ang kanilang nararamdaman sa magkakaibang sitwasyon. Ang tula mula sa panulat ni Lucas de Madrid ay nagmula sa kaniyang mapanuring damdamin simula pa noon. Maaring may nabanggit na ibang tauhan ngunit tiyak na kanyang sinusulat ay base sa kanyang nararamdaman. Ang tula mula sa panulat ni Alloni ay nagsimula sa panahon ng kanyang kabataan, panaginip, at mga pangyayari na minsan ay mahirap ipaliwanag. May mga tula dito na marahil ay matagal ng nangyari ngunit naitabi sa maayos na sulatan upang mabasa sa mahabang panahon. Gayunman, lubos naming ipinagmamalaki na ang mga mababasa nyo sa mga susunod na pahina ay pawang nanggaling sa dalawang taong sumulat nito. Likha ng kanilang maingay na isipan na hirap ipaliwanag sa tao. Kaya sana'y makilala nyo sila ng lubusan sa pamamagitan ng kanilang panulat. Happy Reading 💗💘❤️💓💗
30 parts