20 capítulos Concluída MaduroWalang gabing hindi dinalaw ng panaginip si Eliezha - panaginip ng isang mainit na gabi, ng mga haplos na hindi niya malimutan, at ng isang lalaking minsan niyang pinagbigyan ng sarili.
Isang gabi lang.
Isang gabing hindi niya inakalang hahabulin siya sa bawat tulog, bawat bangon.
At sa bawat paggising, ang salaming naiwan ng lalaki ang tanging alaala... isang bagay na hindi niya kailanman itinapon - o nalimutan.
Ngayon, muling nagbalik si Sev.
At habang nakatingin ito sa kanya na para bang wala nang ibang babae sa mundo, ang tanong lang sa isip ni Eliezha:
Papayagan ba niyang ang panaginip ay muli nilang gawing totoo?
O hahayaan niyang manatiling alaala ang gabing iyon - kahit sa puso niya, ito na ang nag-iisang katotohanan?
____
"Ayaw ko nang mahiwalay ka sa akin. I can't even function without you. I want you in my life"
_____
Sev as Stell
Eliezha as Ken