Sa dating masayang relasyon ay hindi mo aakalaing paghihiwalayin pa ito ng mapaglarong tadhana. Maswerte na sana sila sa isa't isa ngunit tignan mo nga naman ang tadhana. Pilit ipinaglalayo ang dalawang dati ay ipinagtatagpo niya. Ganyan ang nangyari sa relasyon nila Darkxel at Samara. Dating mag asawa ngunit di rin nag tagal ay naghiwalay rin sa isa't isa. Maraming nawala at nasayang. Ang masasayang ala ala na naiwan ay natabunan na ng mga ala alang parang isa naring bangungot na ayaw ng balikan ni Samara kaya ito lumayo. Pero iba si Darkxel ng nararamdaman. Kahit na nag kamali ito ay handa siyang magbago makuha lang ulit ang puso ni Samara. Pero ano nga ba ang mangyayari kapag nag balik si Samara? Magtatagumpay nga ba si Darkxel sa pag sungkit ng puso ni Samara o Wala na talaga, game over na?