19 Partes Concluida Si Marissa, masayahin, madiskarte, at pagod. Pagod sa laban ng buhay, pero hindi sumusuko. Nang mapasok siya sa isang prestihiyosong kumpanya, ang kapalit ay araw-araw na pagdududa, malamig na tingin, at mga salitang kayang durugin ang loob niya-lahat mula sa sariling boss.
Pero sa kabila ng sakit, nanatili siyang tahimik... kasi puso niya, hindi marunong umatras.
Hanggang sa may dalawang lalaking dumating-isa'y handang unawain siya, ang isa nama'y biglang natutong tumingin sa kanya... pero huli na ba?
Sa dulo, hindi pera ang pipiliin niya. Hindi posisyon. Puso lang. Pero kaya ba siyang ipaglaban?