Ang Holdaper at Ang Depressed na Graduating Student
15 parts Ongoing Sa masikip na eskinita ng Aurora Hill sa Baguio City, may isang financially challenged at unemployed guy na namomroblema sa kanyang buhay. Isang napakalaking dagok ang darating dahilan para siya'y mapilitang kumapit sa patalim.
Sa kabilang dako naman, o kabilang eskinita, may isang nagkukumahog na estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo. Kahit na achiever at isang iskolar, kulang parin iyon para makapagbigay karangalan sa magulang niyang matatayog ang pangalan.
Sa hindi inaasang pagkakataon, sa pishbolan ng trancoville ay magkakadaupang palad ang dalawang malungkot na nilalang.
"A-Akin na pera mo k-kung ayaw mong masaktan!"
"What? Are you talking to me? Pwedeng pakiulit naka-airpods kase ako."
Paano kaya mababago ng pudpod na patalim sa nailcutter ang disposisyon nila sa buhay? Isang magandang prinsipyo ba ang mabubuo o isang napakalaking gulo ang magsisimula sa pagtatagpo ng mga problemadong indibidwal na ito?
"I don't want to hear any of your reasons! Don't try to get away from me again, hindi mo alam kung ano pang pwede kong gawin sa'yo just to make you stay..."