Mahigpit ang bilin ng mga magulang ni Ashleigh sa kanya na huwag muna syang makipagrelasyon hanggat di natatapos ang kursong Medisina. Kaya napilitan syang ilihim ang kanyang relasyon kay Bruce. Anak ng gobernador sa probinsya ng kanyang lolo't lola. Nakahanda raw itong maghintay hanggang makatapos ito ng pag-aaral ng Medisina. Mahal na mahal daw sya nito at hindi susuko sa pagmamahalan nila. Pero kung kailan halos abot-kamay na nila ang matagal na nilang hinihintay ay saka naman sinubok ng tadhana ang tatag ng kanilang pagmamahalan sa isa't isa. At ang masakit pa, sa kanilang dalawa, ito yata ang unang susuko at kakalimutan ang pangako nila sa isa't isa. Kakayanin nya kaya na mawala ang taong naging inspirasyon nya para makapagtapos ng pag-aaral? O Ipagpapatuloy nya ang kanyang pag-aaral at kapag nakamit na niya lahat At tsaka naman niya babawiin ang lahat na nawala sa kanya.