___________________ Siya si Zaria Fariz isang hamak na magandang dalaga. Ngunit siya rin ay hamak na maldita. At marami ang nakapagsabi na kamukha daw niya ang isang prinsesa nuong 1982. Ngunit kung ikukumpara mo silang Dalawa ay hamak talagang malayo ang agwat ni Zaria sa prinsesang nagmula sa taong 1982. Grabi matagal tagal narin ngunit buhay na buhay parin ang kwento tungkol sa prensesang yun. Ang tinutukoy kong prensesa ay walang iba kundi si Arana Rubie. Si Prensesa Arana Rubie, may maamong mukha ngunit siya rin palay nagawang makipaglaban sa labanan ng dalawang kaharian. Maraming nagkakagusto kay Arana sapagkat siya ay isang mabait at matulungin na prensesa. Ganun din si Zaria hamak talagang marami silang pagkakaparehas ni Prensesa Arana. Ano kaya ang magyayari kung sa salamin lang pala mapapaisa ang kanilang katauhan ngunit ibang taon ang napagmulan?.