Eto na po ang full story ng one shot kong halik ng multo. Sa librong ito mas madaming ganap. Mas madaming lihim ang mabubunyag: Kilalanin natin si Bianca. Isang manunulat at marangya ang buhay. Lumaki siyang isang ulila. Iniwan ng ama, namatayan ng ina at walang gustong tumanggap sa kanya ng dahil sa anak siya sa labas. Sa kanyang pagtapak sa entablado, isasalay niya ang kanyang buhay at ang isang taong nagbago nito. Si Aster ang kanyang matalik na kaibigan. Palaging nasa tabi niya at tagapagligtas sa tuwing siya ay nabubully. Pero anong lihim ba ang kanyang matutuklasan? magagalit ba siya o masisiyahan. Si Joelee. Ang lalaking unang nagpatibok ng puso ni Bianca. Sa kanyang pagbabalik ay may pangako siyang kailangang tuparin. Pero magagawa niya ba ito at maliligtas niya ba si Bianca sa panganib na dala ng kanyang pagbalik?