The Great Lakan ang kauna-unahang makasaysayang BL nobela ng Pilipinas, unang inilathala sa Wattpad noong 2020.
Babala: Ang nobelang ito ay naglalaman ng tahasang seksuwal na eksena at mga salitang hindi angkop sa mga bata. Ang pagbabasa ay para lamang sa may sapat na gulang.
Buod: Sa gabi ng pulang buwan, habang nilulusob ang Kaharian ng Maharlika, isang pagtataksil ang naganap. Lihim na ipinagpalit ni Prinsesa Mandara ang tunay na prinsipe, si Lakan, sa anak ng isang alipin - isang hakbang na ginawa niya upang maagaw ang trono, na siyang naging sanhi ng pagkamatay ng reyna
Lumaki si Lakan sa kahirapan, nagtitinda ng mga pampalasa at espada sa pamilihan, na hindi alam na siya pala ang tunay at hinirang na prinsipe ng Maharlika. Samantala, si Soham - ang huwad na prinsipe - ay namuhay sa karangyaan. Ngunit pinagtagpo sila ng tadhana nang makita ni Soham si Lakan sa pamilihan, agad siyang nabighani rito. Nagpanggap siyang isang pangkaraniwang tao at araw-araw na dumadalaw kay Lakan, hanggang sa sila'y nagkamabutihan at naging magkasintahan.
Ngunit sinubok ang kanilang pagmamahalan nang unti-unting mabunyag ang mga lihim. Kapag nalaman ng isa na siya ang tunay na tagapagmana, at ang isa naman ay isang huwad - kakayanin ba nilang manatili sa isa't isa? At kung ang isa sa kanila ay itinakdang mamuno sa Maharlika, paano nila ipaglalaban ang kanilang pag-ibig sa gitna ng digmaan, ambisyon, at kapalaran?
The Great Lakan ay isang epikong kwento ng pag-ibig, digmaan, pulitika, pagtataksil, at kasaysayan - itinakda noong ika-7 siglo sa malaking bahagi ng Luzon, na noon ay kilala bilang Kaharian ng Maharlika, isang isla na bahagi ngayon ng Pilipinas.
Kaya mo ba'ng patusin ang matalik mong kaibigan? Eto ang problema ng baseball hero at high school heartrob na si Kiyoteru Kaneshiro sa kanyang bestfriend na si Yuuto Hisagi. Para sa isang normal na lalakeng tulad ni Kiyo, hindi pangkaraniwan ang magkaroon ng kaibigang lalake na may pusong babae. Ano ang gagawin niya sa sandaling ipaalam sa kaniya ng matalik niyang kaibigan na iniibig siya nito?
(WARNING: SOME PARTS OF THE STORY MAY CONTAIN WORDS NOT SUITABLE FOR VERY YOUNG [AND SOME HYPOCRITICAL] READERS. IF YOU'RE NOT READY FOR IT, THEN DO NOT PROCEED TO READ THIS STORY!)