Tungkol ito kay Mika, babaeng paulit ulit na nasasaktan dahil sa lalaking kanyang minahal. Ilang beses na niya itong nahuli na may ibang babae pero palagi rin niya itong pinapatawad. Naging marter siya nang dahil sa kanyang pag ibig. Minsan nagagalit na ang kanyang mga kaibigan sa kanya dahil palagi siyang pinapayuhan ng mga ito na layuan na ang lalaking nagdulot ng sobrang sakit sa kanya pero hindi niya sinunod ang mga payo ng kanyang mga kaibigan. Hanggang isang araw may nakilala siyang isang lalaki na nagpagulo sa kanyang isipan at damdamin. Lalaking nagparamdam sa kanya na hindi kailangang sa nobyo niya lang iikot ang kanyang mundo.Todos os Direitos Reservados