( CHANGE OF HEARTS: SEASON 2) Nainlove, nasaktan, nalasing, nabuntis, nagpakasal, nakipagtanan at nabaliw sa pag-ibig. Hindi sukat akalain ni Jasmine na ang isang playboy na katulad ni Mike ay asawa na niya ngayon at magkakaanak pa siya rito! Bakit niya nagawang sumama sa lalaking kinamumuhian niya noon? Nababaliw na ba siyang maniwala sa mga pinangako nito sa kanya? Hibang lang siguro siya para maniwalang mamahalin din siya nito higit pa sa mga dumaang babae sa buhay nito. Kailangan niyang gumising sa katotohanan at takasan ito. Pero paano kung hindi siya kayang pakawalan nito? Anong gagawin niya kung unti-unting nababaliw na siya rito? "Sa ayaw at sa gusto mo Jasmine. You are trapped with me. Kusa kang sumama sa akin. Kusa kang nagpakasal sa akin. Kaya kahit ano pa ang gawin mo, you can never escape me. You are mine."- Mike Santillan Date Started: November 22, 2020 Date Finished: February 11,2021