The Last First Date (ON-GOING)
34 parts Ongoing Akala ni Jonalya, ordinaryong araw lang 'yon-isa na namang wedding photoshoot na kailangan tapusin. Sanay na siya sa ganung setup: ngiti dito, pose doon, lahat scripted, lahat staged. Pero sa gitna ng flash ng camera at mga bulaklak na nakapalibot sa bride and groom, may isang hindi inaasahang moment na nangyari... isang sulyap, isang ngiti, isang koneksyon na parang hindi lang basta bahagi ng trabaho. Parang may sariling kwento.
Hindi niya inakalang sa araw na 'yon, may makikilala siyang lalaking kayang paandarin ulit ang puso niyang matagal nang tahimik. Mabilis. Masaya. Masarap sa pakiramdam. Pero habang lalong lumalalim ang samahan nila, unti-unting lumalabas ang katotohanang hindi niya hiniling-na ang lalaking kinakapitan niya... ay hindi pala kanya.
At doon nagsimula ang pagbagsak ng lahat.
Sa isang iglap, ang akala niyang simula ng bagong pag-ibig, nauwi sa tanong na hindi niya masagot: Paano kung ang taong minahal mo ng totoo, ay may tinatagong buhay na ikaw mismo ay hindi bahagi?
Hanggang dumating ang isang trahedya-isang pangyayaring nag-iwan ng tanong sa hangin, ng mga salitang hindi na mababalikan, at ng pusong hindi na muling mabubuo. Pero sa lahat ng sakit at hindi inaasahang pangyayari, iisa lang ang tanong na paulit-ulit na sumisiksik sa isip ni Jonalya...
Was it love? Or was it just the last first date?