Sabay ng pag patak ng aking luha ang siyang pag buhos ng malakas na ulan na tila ba nakiki simpatya sa akin ang panahon sa nararamdan ko. Walong taon na ang lumipas nung naramdaman ko ang unang kirot ng aking puso. Ang unang hapdi at ang unang sakit na maiwanan ng taong minsan mong minahal. Sa araw nato, naranasan ko uli yung sakit na yun. Yung sakit na di mu ma kayang ipaliwanag. Puso moy tila iniipit na di ka makahinga. Tumakbo ako papalayo, tumakbo ako papunta sa mga kaibigan ko. At dun binuhos ko lahat.