Ako si Czarina, isang babaeng sawi lagi sa kwento ng buhay pag-ibig kaya lagi akong nakatanaw sa langit at ibinubulong sa hangin ang salitang "sana ako naman". Siguro nung umulan ng swerte sa pag-ibig ay mahimbing ang tulog ko, kaya simula first boyfriend hanggang last, sawi ako. Parang nakakatakot na ding magmahal eh kaso kapag anjan na yung taong akala mong siya na ulit yung bubuo sayo, grab the chance agad pero sa huli wawasakin ka pala ulit. Oo, tao tayo na nagmamahal lang pero wag naman nating pakasobrahan kasi too much love can hurt you. Wag na nating paabutin pa sa point na nagpapakatanga na tayo para sa tao. Learn to love yourself first, kapag down na down ka na never try to kill yourself, just take a rest and leave your problem there. Wag mong problemahin ang problema, hayaan mong ang problema ang promoblema sayo. In other words hayaan mo ang mga taong nanakit o nanloko sayo, just sit there and watch karma mess them up.