Masaya na ko sa pasulyap-sulyap. Kontento na ko sa pagyakap at paghalik sa picture niya. Okay lang sa akin na once every year ko lang napagmamasdan ang kagwapuhan niya. Halos maihi na ako kapag nginingitian niya ako. Kaya lang, bakit kapag may mga lumalapit sa kanyang babae, pakiramdam ko, ang torpe-torpe ko? Bakit hindi ko man lang malapitan ang crush ko? Bakit hindi ako marunong duma-moves? Ganito na lang ba ang kahihinatnan ng love story ko? Mamamatay na lang ba akong isang pathetic girl na hindi nakapagconfess sa taong mahal niya? Paninindigan ko ba ang one-sided love na ito? Totoo nga kayang unrequited love ang title nitong kwento? Sana... Sana mapansin niya naman ang kagandahan ko. Meron nga ba ko nito?
18 parts