1 part Ongoing Mula nang mangyari ang hindi malilimutang gabi sa Okada Hotel, tila ang tamis ng halik ng estrangherong lalaki ay hindi na mawala sa isip ni Gabriel. Sa kabila ng kanyang pagsusumikap na balikan ang mga alaala, patuloy siyang nabibigo na alalahanin ang pangalan nito. Pati sa social media, sinubukan niyang hanapin ang misteryosong lalaki, ngunit tila siya'y nawawala sa dilim. Isang araw, nagkataon silang magtagpo sa isang marangyang event. Habang ang kanyang puso ay kumakabog sa pagkabigla at kalituhan, naglakas-loob siyang lumapit. Sa pagkakataong iyon, muling bumalik ang mga alaala, at doon niya nakumpirma na ang lalaking nagmamay-ari ng matamis na labi na nag-iwan ng marka sa kanyang puso ay nakatayo sa kanyang harapan ngayon.
One Night in Okada®