Paano nga ba kung ang pusong lubos na nagmahal ay napagod at di na gugustuhing balikan ang sakit na minsan ay naranasan. Kakayanin mo bang magpatawad? Kakayanin mo bang tanggapin ang lahat? Kakayanin mo bang harapin ang lalaking nangako ng habambuhay na pagmamahal pero lalaki ring nag-iwan sa'yo ng napakalalim na sugat? Kakayanin mo bang balikan ang nakaraan ng hindi na lumuluha?