Sa dinami-rami ng mga pinagdaanang tawanan, kulitan, iyakan at kadramahan nina Cyann at Clementine, sa wakas, sila na rin.
Subalit sapat na ba iyon at ang pag-iibigan nila upang makasigurong sa simbahan din ang tuloy ng dalawa kung sala-salabat naman ang problemang kinakaharap nila?
Sinusubukan nga lamang ba sila ng tadhana?
O this time, tadhana ang nagsasabing ang kwento nina Sai at Lem is a love story that was never meant to be?
Copyright 2014 hunnydew
Cover by Joyce Kringle Descaya
Posted on October 7, 2014 Tuesday
NOT EDITED.
May mga bagay na kailangan nating intindihin at obserbahan nang maigi upang malaman ang kasagutan. May mga bagay rin na dapat nating paniwalaan kahit na makakasakit pa sa damdamin natin.
At may mga bagay na kailangan nating tanggapin kahit na ang kapalit no'n ay ang pagkadurog natin.
Mahihintay kaya ni Ella na muling makasama si Kyan kahit na walang kasiguraduhan? O sa gitna ng pagsubok na kinakaharap nila, matatapos na lamang iyon na parang bula?
Walang malinaw na kasagutan sa mga tanong na iyan, pero sa isang bagay lamang sila sigurado, gusto nilang makamit ang pangarap nila nang magkasama kahit pa malayo sila sa isa't-isa.
Para sa 'yo, worth it ba ang paghihintay?