"Babe.. I have been waiting for this day to come."
Napabuntong-hinga si Neil habang nakatingin siya sa akin, straight to the eye, sinserong-sinsero at walang halong biro sa mga titig niya.
"Alam mo naman siguro kung gaano kita kamahal, Alexa. You are my everything. You make me happy. You make my life complete. And I can't imagine tomorrow without you."
Kita ko sa mga mata ni Neil na seryoso siya sa mga pinagsasabi niya. Kita ko ring unti-unting namumuo ang mga luha sa paligid ng kanyang mapupungay na mga matang tinatakpan ng kanyang eyeglasses.
He sighed again, then held me by my arms.
"Alexa..."
Tinitigan kong maigi si Neil. Ang gwapo nitong mukha, ang mga mata nitong nangungusap, ang kanyang mga labi na kung dumampi sa akin ay para bang kuryente, at mga salitang binibitawan nito na kung maririnig mo sa kung sino-sino lang ay paniguradong hindi kapani-paniwala. Pero si Neil ito. Walang isang salita niya ang hindi kapani-paniwala. Walang mga halik niya ang hindi ko pinananabikan. Walang katangian niya ang hindi ko nagustuhan.
He is perfect! Mali ang sinasabi nilang walang perpekto sa mundo. Dahil kung wala, ano'ng itatawag ko sa lalaking ito?
I adore and I love him. He is my man, he is my everything.
"You know I can't live without you. Wala na akong pakialam kung anuman ang sabihin ng mga magulang ko. Wala na akong pakialam kung ipagtabuyan man nila ako. I don't care if they'll abandon me. It's better than you abandoning me."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Kumawala ang mga luhang kanina pa gustong ilabas ng mga mata ko. Ramdam na ramdam ko ang bawat salita ni Neil. At iyon ang mas masakit. Bakit kailagang damdamin ko? Bakit kailangang maramdaman ko kung gaano niya ako kamahal? Bakit kailangang masaktan ko siya?
Habang nag-aalburuto ang puso ko, hindi ko namalayang may dinukot si Neil sa bulsa ng kanyang black slacks. Pagkadukot nito ay dahan-dahan siyang lumuhod sa aking harapan.