Ito ay isang pangyayari kung kung saan makikita natin ang buhay ng isang babaeng naghahangad ng totoong pagmamahal sa taong matatawag niyang sa kanya talaga nakalaan at hinde bahagi lamang ng mga taong susubok sa kanya upang ipagpatuloy ang paghahanap sa taong magiging kanya habang buhay. Isa itong masalimuot na pangyayari kung saan makikita natin kung gaano katatag ang babaeng naghahangad lamang ng totoong kasayahan. Siya si Rae ang babaeng palaban at marunong makisama't magpakumbaba, higit sa lahat may busilak na puso at may pagmahahal sa Diyos. Susubukin ng tadhana ang kanyang buhay, mararanasang masaktan, at umiyak ngunit hinde sumusoko.